The MisAdventures of Ubermench


Blog For Free!


Archives
Home
2004 November
2004 February

My Links
Bluemoon's Blog
Fotocali's Blog
Seffram's Blog

tBlog
My Profile
Send tMail
My tFriends
My Images


Sponsored
Blog



One with the Day
11.02.04 (8:46 pm)   [edit]

 
Conquer it All!
11.02.04 (6:40 am)   [edit]

Morning Scenario
I dropped by this morning at the Conquer shop to check the bags. However, the old man who was present was unsure where the other merchandise are. I finally decided I'll be back after work from St. Benilde.


While going to work, I cant help but to think what bag will I be getting.  Then a thought popped out of my head.  What will it be the jagged peak style?! The hotdog 60 liters type!? Naaah too big for me... :) the Why not  ask a Boondocker to help me out... The victim : Gov.  I hope he could spare me his daily routine home and help me  choose the best bag for me.


Okay end of fantasy for a while since the rush of time has to be compensated with the usual work routine.  Paper works... computers... Paper works... computers again...  :roll:


6:45pm
Finally, Gov has decided to help me out.  Whippee... off to Conquer the World! I mean to buy the bag. 

14 LRT stations after we reached Monumento&nb sp;... were going to the Conquer! Wait we're off to Northmall for a quick tour and track a copy of NBA 2005 CD.  My IT developer... newly found friend turned Mountaineer... turns out to be a PC Game buff.  Kewl... 


Northmall has turned itself into an agora of virtual reality and simulated world of fantasy immortalized in a shiny circular object.  A haven for tech savvy rummaging  for multimedia entertainment.


Ok Gov has now his NBA 2005 CD.  Off to Conquer! Yippee...


We're just in time.   While at Conquer,  I got hold of the last piece of the Jagged Peak style bag which I was inquiring a while ago.   I just learned no more choices!  All other colors were already sold out.  Too Bad!  I am never a fan of Yellow! I like Blue so much.  Yet I was able to convince myself.  Yellow is still pretty darn cool.  Just put a Blue cover into it!  Not a bad choice after all...  I got myself a  Hydro container to go along with the bag, a blue cover...:) Dry Bag... Stop or I might exhaust my resources again.  

What a wish come true...  Ok time for us to feed our hungry stomach.  Hmm... I can still recall the taste of Chicken... btw soon good bye chicken... ha maybe not too soon...


poof... 

 
Seryoso po kami...
02.20.04 (8:02 am)   [edit]
[b]Sa mga gustong matawa.... Ito'y hango sa mensaheng nagpalipat lipat na sa ibat ibang kompyuter... :D[/b]

[i]Ipagpaumanhin nyong di ko alam kung sino ang nagsulat.[/i]

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Why are you late?
BALGOBIN: Because of the sign.
TEACHER: What sign?
BALGOBIN: The one that says, "School Ahead, Go Slow."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, why are you doing your math sums on the floor?
BALGOBIN: You told me to do it without using tables!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, how do you spell "crocodile"?
BALGOBIN: "K-R-O-K-O-D-A-I-L"
TEACHER: No, that's wrong
BALGOBIN: Maybe it's wrong, but you asked me how I
spell it!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: What is the chemical formula for water?
BALGOBIN: "HIJKLMNO"!!
TEACHER: What are you talking about?
BALGOBIN: Yesterday you said it's H to O!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, go to the map and find North
America.
BALGOBIN: Here it is!
TEACHER: Correct. Now, class, who discovered America?
CLASS: Balgobin!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, name one important thing we have
today that we didn't have ten years ago.
BALGOBIN: Me!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, why do you always get so dirty?
BALGOBIN: Well, I'm a lot closer to the ground than
you are.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

BALGOBIN: Dad, can you write in the dark?
FATHER: I think so. What do you want me to write?
BALGOBIN: Your name on this report card.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: How can you prevent diseases caused by biting insects?
BALGOBIN: Don't bite any.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, give me a sentence starting with
"I".
BALGOBIN: I is...
TEACHER: No, Balgobin. Always say, "I am."
BALGOBIN: All right... "I am the ninth letter of the
alphabet."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: "Can anybody give an example of COINCIDENCE?"
BALGOBIN: "Sir, my Mother and Father got married on
the same day, same time."

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: "George Washington not only chopped down his father's Cherry tree, but also admitted doing it. Now do you know why his father didn't punish him?"
BALGOBIN: "Because George still had the axe in his
hand?"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

BALGOBIN: Daddy, have you ever been to Egypt?
FATHER: No. Why do you ask that?
BALGOBIN: Well, where did you get THIS mummy then?

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: What a pair of strange socks you are wearing, one is green and one is blue with red spots!
BALGOBIN: Yes it's really strange. I've got another
pair just like that at home.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Now, children, if I saw a man beating a
donkey and stopped him, what virtue would I be showing?
BALGOBIN: Brotherly love?

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Now, Balgobin, tell me frankly do you say
prayers before eating?
BALGOBIN: No sir, I don't have to, my mom is a good
cook.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: Balgobin, your composition on "My Dog" is
exactly the same as your brother's. Did you copy his?
BALGOBIN: No, teacher, it's the same dog!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

TEACHER: What do you call a person who keeps on
talking when people are no longer interested?
BALGOBIN: A teacher

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* -*-*-

[b]butongtong ¶ 12:00 AM [/b]
 
ang pagliban...
02.19.04 (7:45 am)   [edit]
"Buo ang damdamin at may paninindigang harapin ang mga nakasuong na pagsubok." Ito ang aking saloobin ng una kong harapin ang mga nag poprotestang mga rallyistang nagpipiket sa tabi ng aming unibersidad. Paniwalang paniwala sila sa mga union lider na tanging pansariling kapakanan ang ipinagpipilitan.

Pagod. Puyat. Gutom. Pilit parin nilang ipinaglalaban ang mga kahilingang wala namang patutunguhan. Kasabay ng mga sigaw ng 'Makibaka! Wag matakot.!' Kaawa-awang kalagayan.

Lakas loob akong lumapit sa harap ng ilang gurong sa paniwari ko'y hindi naman alam ang ipinaglalaban. Pinilit kong ipabatid na bumalik sa kanilang mga klase at tanggapin ang alok ng administrasyon. Alam kong di nila batid ang aking saloobin. Bulag sila sa katotohanang walang patutunguhan ang kanilang mga karaingan.
"Kung may malasakit ang eskwelahan, ibibigay nila ang aming karaingan.", anila kasabay na marinig ko ang mga salitang "Kuya papasok na kami..."

Naalimpungatan ako. Nananaginip lang pala ako. Nagpapaalam na ang bunso kong kapatid.

Walang rally. Ngunit may posibilidad na ito'y mangyari. Hindi kasi magkasundo ang union at administrasyon sa aking unibersidad. Lumipas na rin ang ilang buwan, nagpahayag na rin ng ilang beses na 'deadlock', pagod na sa kahihintay ang mga empleyado at guro, napagtsismisan, pinagkwentuhan at pinagtataluhan na rin.

May mga gumagawa na rin ng hakbang na matapos na ito. Ang iba'y walang pakialam. Ngunit marami ang umaasang ito'y mauwi na sa maayos na usapan.

Hindi ako permanente sa aking pinapasukan. Di ko pa kasi nakamit ang kapirasong papel na animo'y magbubukas ng pintuan sa institusyong aking pinapasukan. Kunsabagay, di naman hinihintay iabot ang susi. Ito'y pinagpapaubaya sa mga karapat-dapat. Ngunit di ito ang aking nais iparating.

Sa kabilang banda sa aking naisip may punto ang aking panaginip. Maaaring mali ako ngunit ang naiisip ko ay makikinabang sila sa anumang ipinagkakaloob ng eskwelahan.

Ang sa akin lamang. Hahayaan mo bang maghalo na lamang ng mantika at toyo sa kaning malamig na sa kabilang banda pala ay may iniaabot namang pambili ng tuyo at itlog sa umaga, pritong tilapia sa tanghali at bistig sa hapunan. Isama mo pa ang kalderetang bibi pulutan sa gabi.

Ano pa ang hihilingin nila. Ako nga sapat ng makakain ng paminsan minsan sa McDo at KFC, kumanta sa Videoke, magbadminton sa Smash, Drop Net, o kaya'y sa Gym na lang, uminom ng beer kasama ang mga barkada at kung minsan ay magpapak nalang ng mani o kaya'y butong pakwan kasama ang mga kaibigan.

Ito ay kung may matira sa sweldo pagkatapos magbayad ng renta ng apartment, kuryente linya ng SMART at DIGITEL, paluwagan, Credit Card, loan namin ng ate ko.

Wag nga palang kalimutan ang ilang beses na mag abang sa 7-11 sa may kanto ng Sto. Rosario gilid ng eskwelahan habang umiinom ng pinaghalong 'pineapple juice' at 'four seasons' at magpapak ng 'onion flavored' na biskwit at panoorin ang mga estudyanteng nag-uuwian.

Kagigising ko lang noon. Nagpasya akong lumiban sa aking pinapasukan at manatili na lang muna sa kinalulugaran... Bahala na muna ang mga trabahong iniwan. Galit na ang adviser ng mga mag-aaral. May naka iskedyul kasing 'thesis' na ididifend. Tinawagan ko na lang. Bahala na muna sila. Importante sa kin ang pagliban kong ito. Naghanap na lang muna ako ng papasok sa mga estudyante. Napano na kaya ang mga nag-eedit ng mga dokumento sa Nexxus?

Bahala na rin ang nasa shop. Sana magmilagro at kumita ng malaki laki para makapagdagdag ng kompyuter.

Matagal na rin akong di umuuwi sa aming munting tahanan. Ang mali nga nito umuuwi lang ako dahil ubos na ang damit ko.

Ngunit sa kabilang banda, may pilit na kung anong humihila sa aking mga paa pauwi. Maari'y limot ko na ang mga iniwan ko. O kaya'y ang pagtahol ni Spot ang aso naming itim na may kaunting puti sa kaliwang paa. Kasama si Putot (Monica) ang pandak na aso namin, si Lucky ang native na fox aniya ng ama ko at ang tuta naming si Sun Tsai na binalutan ko noon ng pinirasong telang may gaas dahil muntik ng matuyuan ng dugo sa dami ng kuto at garapatang kumapit dito.

Ang tangkad na pala ng panganay ng aking ama. Pumayat na rin ng kaunti ang kamukha ko, na bunso nila. Matagal na rin kaming di nagkukwentuhan ng aking Tita. Sa kin importante ang mga ito. Limot ko na kung pano tumawa ang aking mga nakakabatang kapatid, ang kakulitan ng bunso naming si Alex, ang tahimik na ugali ni Norman. Ang magwashing machine habang nanonood ng telebisyon. Magluto ng pansit, paturo ng beat ng 'Coke ko To' kay Jason (ang ibang tawag ko kay Alex) kahit di na ko umiinom ng softdrinks.

Bukas papasok na ko. Iiwan ko na naman sila. Ibang beat na naman ang maririnig ko at pilit sasabayan. Mabibigyan kasagutan ang mga tanong na 'Tapos na kaya ang CBA?', 'May nakakuha kaya sa pinagawa ko sa mga estudyante na binantayan ni Ms. J.', 'Mas magaling ba si Ms. Arcely na nagdiscuss ng SQL?'.

Kumusta na kaya sina Thom, Titot, Berong at Rhenan at ang iba pang mga kakilala. Sina Mariel, William at si Huge. Makikita ko kaya sila. Makikipaglokohan, makikipagbiruan, makikipagdramahan, makikipagtawanan, magpapalitan ng kuro-kuro.

Sa aking pagliban, may iniwan man ngunit mayroon di namang natutunan. Mula sa pakikibaka sa aking panaginip hanggang sa pagluluto ng pansit ang lahat ay walang pagsisisi.

Hanggang sa muling pagliban...

butongtong ¶ 9:54 PM :roll:
 
ang panimula
02.19.04 (7:42 am)   [edit]
Makailang beses ko ring inisip ang mga panimulang salita na isusulat ko sa blogger.

Hindi madali ang nag-uumpisa, napakarami kasing mga ideyang bigla na lang nagsusulputan at pilit nakikipag unahan. Animo'y mga kiti-kiting pilit lumalangoy sa mga naimbak na tubig sa lata ng sardinas.

Problema kasi sa dami dami ba naman ng pwedeng pangitlogan ng inahing lamok napili pa ang latang pakalat kalat sa sulok ng daan.

Para din bang mga kabuteng bigla na lang umuusbong pag kumikidlat. Nakakapagtaka pa at sa lupang natakpan ng mga palapa doon mo sila makikita.

Ilang araw ko na ring sinusuyo ang aking sarili na umupo at isulat ang aking mga saloobin. Makailan beses ko na ring sinubukang magsulat sa papel. Wala ding nangyari. Puro mga 'grafiti' ang kinalabasan at hindi laman ng isipan.

Ito ang una kong naisulat, kaantabay ang lakas ng loob at puyat na di ko inadya.

Masarap ang kabute pag hinalo sa sabaw o kaya patuyuin at ihalo sa pansit. Ang lamok na napisa mula sa kiti kiti masarap tapikin pag nangagat. Panggulo kasi. Nag iiwan pa ng pantal.

Nawa'y hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang mga kabute at mga kiti kiti ng aking isipan.

Humigop ng sabaw. Tapikin ng mainam ang lamok. :)

butongtong :D ¶ 4:30 AM

* Nagmula sa aking unang blog site
http://butongtong.blogspot.co...